Friday, January 3, 2014

It's 2014 and I'm looking forward to...

It's 2014 and I'm looking forward to:

1. Finish a story. Just one good story. Or two, please.
2. The Red Hot Chili Peppers concert in Pampanga.
3. Buying a camera (manual, film) to document things, print photos, make albums.
4. Not give up on poetry.
5. Travel somewhere unfamiliar.

Wednesday, November 14, 2012

Dahil Napakaganda Mo

(Published sa school-pub nung college pa 'ko.)

Walang duda. Tao na ang pinakamatalinong hayop na nabubuhay sa mundo, at mananatili itong katotohanan hangga’t wala pa akong nakikitang dalmatian na pumupunta kay Dr. Vicky Belo para magpatanggal ng dark spots, o bull frog para magpa-derma. Pero hindi ako sigurado kung anong uri ng palaka o butete yung batang singer na nagpa-botox ayon sa balita noong mga nakaraang buwan.


Sabi ni Aristotle, tao lang ang entity na alam na tao siya. At dahil nga rito, tao nga lang din ang entity na may kakayahang pandirihan ang sarili niya. Salamat na lang talaga kay Dr. Vicky Belo, Dr. Pie Calayan, at sa Adobe Photoshop dahil mula sa buhok, sa kilay, sa ilong, sa labi, pisngi, sa panga, sa ngipin, sa kili-kili, sa balikat, sa dibdib, sa tiyan, sa kuwan, sa hita, sa binti, sa paa, at sa kulay ng balat, kayang-kaya na itong i-molde ng tao, o palitan sa kung ano’ng gusto niyang porma.


Hindi na ako magugulat kung isang beses may magtatayo ng isang anatomical shop kung saan pwede kang bumili at magbenta ng kahit anong parte ng katawan na gusto mo.


Talagang takot na takot sa pangit ang tao. Sino ba kasing nakadiskubre ng lecheng salamin na ‘yan?


Nagsimula ang lahat nang mauso ang Friendster. Bukod sa social networking function nito, kaya ka nitong pasikatin. Paramihan ng friends, ng testi (na pinalitan ng comment dahil daw sa batos nitong konotasyon ex: ‘pare nakita mo testi ko?’), ng pictures kasama ng artista, chiks, ng pictures na naka-yosi, o nakahawak ng bote ng beer. A basta, nagpapasikat na pose. Magugulat ka na lang sa mga may Facebook account sa murang edad na pito. Ang primary picture nila ay pose ala-Katy Perry.


Dahil sa mga social networking site na ito, naging abot-kamay ang pagpapaka-model. Lahat ng tao ay marunong pumose (lalo na ang Korean peace sign sa mata). Burado na ang konsepto ng stolen shots. Bigla na lang naging camera conscious ang sangkatauhan.


Madali na lang sumikat. Basta marami kang friends sa Facebook, mas maraming tao ang makakakita sa ganda mo. Pero may mga tao naman na namimili lang ng pasisikatan, at nagpa-private ng mga retrato.


Samakatuwid, kontrolado na ng tao ang magiging hitsura niya. Kontrolado na rin ng tao kung pa’no ito ipangalandakan sa mundo. Instant artista. Instant cult-following.


At dahil napakadali na lang mag-mukhang celebrity, karamihan ng tao ay napipilitan na ring mag-buhay celebrity, at tuluyan na talagang magmala-celebrity mula katawan hanggang kaluluwa. At lahat ay gusto nang sumali sa mga game show tulad ng Talentadong Pinoy, Showtime, Diz iz It, at syempre ng Pinoy Big Brother, ang teleserye ng tunay na buhay. 


Hindi ba, nakakatuwa ang mundo natin? Ang ordinaryong tao gustong maging artista. Ang artista, gustong maging pulitiko. Ang pulitiko, gustong maging artista. Wala na yatang gustong maging ordinaryong tao—mahusay na magsasaka, mangingisda, guro, o magulang.


Pero malay natin, kaya gustung-gustong mapansin ng maraming tao—mapa-masa o hindi (na karaniwan nga ay nasa Showtime)—ay dahil wala naman talagang pumapansin sa kanila. O baka naman maraming Pilipino ang gustong magpapansin dahil ayaw talaga silang pansinin kahit ng mga kapwa nila Pinoy, dahil mas gusto nilang manalo sa American Idol kaysa maging National Artist, o dahil mas nakaka-starstruck si Katy Perry kaysa kay Angelica Panginiban. Kaya papansin ang grammar ng mga Jejemon dahil walang pumapansin sa kanila kapag tamang grammar ang ginagamit nila. Baka kaya dapat natin ipangalandakan sa mundo na Pilipino tayo at magaling tayo dahil walang pumapansin sa atin, kahit tayo-tayo mismo. O dahil insecure tayo? O baka ako lang, kasi mas gwapo ka sa’kin at inggit ako sa’yo.


Tuesday, September 11, 2012

Computer Shop

Instead of giving myself a rest, I choose to burn the rest of my day inside a computer shop trying to finish a story that has been itching at the surface of my dreams. There is this gay right in front of my computer unit singing gibberish in an apocalyptic falsetto that would make my head burst in three more minutes.

A unit away from my unit at the left side is a guy video-chatting with his girlfriend elsewhere in the world. All around me are noisy puberty boys trash-talking each other over DOTA. I could be inside my boarding house, safely typing stuff on my laptop. I could have done this at the office. But strangely, my solace is right here, inside this computer shop just along the yellow Dominga street somewhere Malate, Manila.

I owe the discovery of the concept of solace at a computer shop in DasmariƱas, Cavite. There, I finished a story that was meant for some folio. On that specific computer shop, I discovered that each computer unit is a chance to extend the borders of the mind in a very controllable universe.

Each cubicle, equipped with a single monitor, keyboard, mouse, camera, headset, necessary softwares and internet connection, is a chance of a human being to control a universe and explore like a curious god in a middle class midnight in the middle of cold cussing teenage strangers.